Plano ngayon ng mga Filipino community sa iba’t ibang bansa na ipa-audit ang mga donasyon para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ na ibinigay nila sa pamahalaan, partikular sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni Gabriela New York secretary general Janin Ventura, hihilingin nila ang nasabing proseso matapos matuklasan na mabagal ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng nasabing bagyo noong Nobyembre 8, 2013.
Malaki aniya ang naging ambag ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa mga binagyo subalit tila hindi ito napapakinabangan ng mga biktima.
Tinukoy niya ang tone-toneladang relief goods at iba pang donasyon na idinaan sa DSWD ngunit limitado lamang ang nakarating sa mga biktima at mas marami pa ang iniulat na nasira sa mga bodega na pa-sekretong itinapon.