Jed-Madela-copy

MUKHANG hindi pa nadala si Jed Madela sa kataklesahan niya sa pagpo-post niya sa social media. Minsan nang ipinahamak ng ASAP mainstay ang sarili niya nang kunan niya ang hindi nailigpit na pinagkainan ng sikat na love team na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa backstage ng Araneta Coliseum.

Ngayon naman, hindi masisisi ang galit sa kanya ng mga kasamahan niya sa ASAP sa pagtawag niya ng “bunch of monkeys” sa mga ito na ipinost niya sa Facebook.

Umeere ang programa at kababalik ng tropa ng ASAP mula sa matagumpay na pagtatanghal sa America, pero bigla na namang nag-post si Jed na talagang ikaka-react ng lahat.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Komento tuloy ng isang ASAP fanatic, ‘tila kawalan ng utang na loob ang banat ng singer. Ano ba raw ang ipinagpuputok ng butse niya na dapat nga raw ay magpasalamat pa siya dahil hanggang sa ngayon kahit nagsidatingan na ang ibang baguhang magagaling at higit na may ibubugang performers at host ng show ay nasa programa pa rin siya?

Sabi naman ng isa naming katoto na hangang-hanga sa mga birit ni Jed, sana raw ay naisip ni Jed na ang sinisiraan niya ay ang programang nagtiwala sa kakayahan niya.

Kung may mga disgusto raw si Jed sa programa at sa mga taong namamahala sa show, dapat ay kinausap niya ang mga ito at hindi binira sa Facebook.

“And one more thing, kung ayaw na niya sa show, eh, p’wede naman siyang umalis at lumipat siya sa ibang musical shows sa ibang channel. ‘Yan, eh, kung tatanggapin siya ng iba,” mataray na lahad ng aming kasamahan.

Walang dudang magaling na singer si Jed, katunayan ay nakapag-uwi na siya ng karangalan mula sa mga sinasalihang contest sa ibang bansa.

Pero kung wala ang ASAP, mararating kaya ni Jed ang kinaroroonan niya ngayon? May mga kukuha kaya sa kanya for a show here and abroad?

Ayon sa nakausap naming taga-ASAP, maaaring nagsentimiyento lang si Jed Madela dahil hindi siya napasama sa show ng programa sa America na kasalanan din naman niya dahil may natanguan na siyang singing engagement sa labas din ng bansa na halos kasabay sa ASAP sa America, huh!

Pakisagot nga, Jed Madela.