Hindi idineklara ni Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ang halos 10 ektaryang lupain nito sa Barangay Caloocan, Talisay, Batangas.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC) na sa 2007 hanggang 2009 na SALN ni Purisima, walang nakasaad na mayroon itong pag-aaring lupain sa Batangas.

Ang nasabing lupain ay may lawak na 95,504 square meter (sqm) o katumbas ng 9.5 ektarya.

Naiulat na nailipat ang titulo ng lupa kay Purisima noong Mayo 25, 2007 at hinati sa 11 titulo mula sa isang “Malabanan”.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Nauna nang inilantad sa telebisyon ang orihinal na kopya ng 11 titulo ng lupa na magkakaiba ang sukat na pawang nasa Barangay Caloocan.

Ang pinakamaliit ay 400 sqm at ang pinakamalaki ay mahigit 4.5 ektarya.

Ang nasabing lupain ay nakapangalan kina Purisima at sa isang Oscarlito Mapalo.

Natuklasan din na nabili nila ang lupa sa halagang P2 milyon lamang ayon na rin sa isang deed of sale.

Inihayag naman ng Register of Deeds sa nasabing lugar, ibinenta na ni Purisima ang lupain noong Oktubre 2010 sa isang Mariano Villafuerte III pero kay Purisima pa rin nakapangalan ang lupain.