Makikinabang ang may anim na milyong senior citizen sa bagong batas na naglalayong maging awtomatikong miyembro sila ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang lagdaan na ito ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong Linggo.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, kailangan lamang ay ipakita ng mga senior citizen ang kanilang Identification Card na sila ay 60-anyos pataas, alinsunod sa Republic Act (RA) 1064 o “An Act Providing for the Mandatory PhilHealth Coverage for All Senior Citizens, Amending for the Purpose RA 7431, as Amended by RA 9994, Otherwise Known as the ‘Expanded Senior Citizens Act of 2010.’”
Tinatayang aabot sa 6.1 milyon ang populasyon ng mga senior citizen sa bansa.