Dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay at apat na iba pa ang nasugatan sa panibagong sagupaan sa Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat, noong Lunes ng hapon.

Kinumpirma ni Lt. Col. Markton Abo, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army, na nakasagupa ng mga sundalo ang nasa 50 rebelde sa Sitio Umanay sa Barangay Nati, Senator Ninoy Aquino.

Ayon kay Abo, bukod sa mga nasawing rebelde na hindi pa nakikilala ay apat na iba pa ang nasugatan sa nasabing engkuwentro na nagsimula noon pang umaga ng Nobyembre 7.

Nauna rito, tinakot umano ng NPA ang mga residente at sinilaban ang ilang abandonadong bahay.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dahil sa sagupaan, mahigit 10 pamilya ang nagsilikas sa takot na madamay sa engkuwentro.