Nadakip ng awtoridad ang dalawa sa apat na lalaki na umano’y nanghalay sa isang 16 anyos na babae sa Valenzuela City, kamakalawa ng madaling araw.

Unang naaresto 9:00 noong Linggo umaga si Gardie Guadra, 38, matapos salakayin ng pulisya ang tahanan nito sa siyudad kahapon.

Ang suspek na si Mervin Novera, 22, Abalos Bukid, Barangay Gen. T. De Leon, ay inaresto ni PO2 Joan H. De Leon sa loob ng Valenzuela Police Station matapos dumalaw kay Guarda, bandang 10:00 ng umaga noong Lunes.

Sa pahayag ng biktima na itinago sa pangalang “Letty” kina PO2 Ana Liza Antonio at PO1 Ana Grace Mendoza, bandang 3:00 noong Linggo ng madaling araw ng halayin siya ng mga suspek sa Abalos Bukid, Barangay Gen. T. De Leon.

National

Bam Aquino, hangad hustisya para sa mga biktima ng EJK: ‘Dinadamayan natin sila’

“Naglalakad po ako nang biglang may humatak sa akin at dinala ako sa madilim na eskinita,” ani Letty.

Si Guarda umano ang unang humalay sa kanya habang sina Novera ang humawak sa kanya sa balikat.

Kuwento pa ng biktima, nakilala niya ang mga suspek matapos mailawan nito ng cellphone ang mukha ng mga suspek, habang siya ay hinahalay.