Malaking pagbabago ang napagkasunduan sa ginanap na XIX ANOC General Assembly na nagtapos sa Bangkok noong Sabado, Nobyembre 8, matapos ihayag ang serye ng resolusyon mismo ng iniluklok muli na pangulo na si HE Sheikh Ahmad Al Fahad Al Sabah sa Thailand.

Kabilang sa resolusyon na sinuportahan ng mga National Olympic Committee para sa Olympic Agenda 2020 reform proposals ay ang pagsasagawa ng ANOC Gala Awards Dinner at ANOC World Beach Games pati na rin ang pormal na pag-aapruba sa mga opisyales para sa termino sa 2014-2018.

Pinasalamatan ni Sheikh Ahmad ang katapat na si IOC President Thomas Bach sa pagdalo sa General Assembly, pati na rin ang mga IOC members, International Federations at ang record 203 na 204 member NOC na dumalo.

Gayunman, pinasalamatan din ni Bach si Sheikh Ahmad sa “really excellent” General Assembly na nagpakita ng “great spirit and unity of the Olympic Movement”.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The record number of NOCs present shows the unity and determination of the NOCs to work for an even brighter future, ” sabi ni Bach sa pagpapasalamat kay Sheikh Ahmad sa mga inisyatiba nito para sa ANOC habang ikinatuwa ang pagbubuo ng World Beach Games na isang “complement and respect the uniqueness of the Olympic Games” at ang “fantastic” Gala Awards Dinner na inaasahan nitong magiging tradisyon sa Olympic Movement.

“All in all I think this General Assembly has shown the cooperation between ANOC and the IOC is closer and better than ever. Together we can move forward,” sabi ni Bach. “The brilliant re-election of the ANOC President shows the confidence the NOCs have in you.”

Ibinahagi ang nakalipas na unang ANOC Gala Awards Dinner, sinabi ni Sheikh Ahmad na “excited and full of emotions” pa rin ito sa programa na nagbibigkis sa sport at kultura sa kabuuan ng limang kontinente.

“This was the first experience, and now we will make our evaluation. In Washington next year it will be better than the first one,” sabi ni Sheikh Ahmad, patungok sa susunod na ANOC General Assembly sa Washington DC, USA, sa Oktubre 2015.

Iniulat naman ni Court of Arbitration for Sport President John Coates na ang CAS ad-hoc division ay nagtrabaho sa nakaraang Asian Games sa unang pagkakataon sa Incheon sa pagtugon sa apat na kaso na ang isa ay mula sa doping (wushu), eligibility (equestrian), competition rules challenge (squash) at ang field of play (wrestling). Ang apat na kaso ay na-dismissed.