CAMP BANCASI, Butuan City – Isang sundalo ang napatay habang isa pa ang sugatan nang magkasagupa ang mga puwersa ng pamahalaan at rebeldeng komunista sa Sitio Nakadaya, Barangay Mahayahay, San Luis, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.

Sa kabila nito, naniniwala ang mga opisyal ng Philippine Army na may namatay at nasugatan din sa grupo ng New People’s Army (NPA) dahil sa bakas ng dugo na natagpuan sa diresksiyon na pinagtakasan ng mga rebelde.

Sinabi ni Lt. Peter Paul Sarsaga, Civil Military Operations (CMO) officer ng 26th Infantry Battalion na nagsasagawa ang mga miyembro ng Army Peace and Development Team ng clearing operations sa lugar ng Nakdaya nang paputukan umano ng mahigit sa 30 armadong rebelde dakong 1:30 noong Linggo ng hapon.

Ayon sa opisyal, tumanggal ang bakbakan ng halos 15 minuto.

Mga miyembro umano ng Northeastern Mindanao Regional Party Committee ang mga armadong rebelde na nakasagupa ng tropa ng Philippine Army. - Mike U. Crismundo

11 lugar sa bansa, nasa 44°C 'danger level' heat index ngayong Mayo 8