Sa layuning higit pang maisulong ang kapakanan ng mga consumer, binuksan kamakailan ng pioneering supermarket chain sa bansa ang isang state-of-the-art at limang-palapag na gusali sa orihinal nitong puwesto sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.
Nagdiriwang ng ika-62 anibersaryo ngayong 2014, ang bagong gusali ng Cherry Foodarama ay nakaharap sa prestihiyosong Wack Wack Golf & Country Club. Nababalanse naman ang consumer-advocacy program nito sa pag-aalok ng murang bilihin sa mga mamimili.
Bukod sa Shaw Boulevard, may branch din ang retail pioneer sa Congressional Avenue sa Quezon City at sa Marcos Highway, Antipolo City sa Rizal.