Binalaan ni Manila Police District (MPD) Acting District Director P/Senior Supt. Rolando Nana ang lahat ng kanyang mga opisyal at tauhan na papatawan ng kaukulang parusa sakaling mapatunayang gumagamit sila ng illegal na droga.

Ayon kay Nana, nais niyang magsimula ang kampanya laban sa illegal drugs sa sarili nilang bakuran. Hindi aniya dapat na gumagamit ang mga pulis ng illegal na droga at hindi katwiran na nakatalaga ang mga ito sa District Anti-illegal Drugs Division (DAID).

Tiniyak ni Nana na magkakaroon ng random drug test sa lahat ng miyembro ng MPD. “Hindi natin ipapaalam kung kelan basta magkakaroon ng drug test sa kanilang lahat.”
Eleksyon

Pagbawi umano ni Ex-Pres. Duterte ng COC sa pagka-alkalde, hindi raw totoo