Capt.-Harry-Wales-copy

LONDON (ANI) -- Nagboluntaryo si Prince Harry, na nagpalipad ng deadly choppers sa Afghanistan kamakailan, na labanan ang mga teroristang Islamic State kung pahihintulutan ang deployment ng kanyang regiment.

Ibinunyag ng sources na nagpahayag si Captain Wales, na itinuturing na isa sa top helicopter pilot ng Army, na hindi siya sumali sa Army para lamang umupo sa desk at siya ay isang sundalo at hindi pen-pusher, iniulat ng Daily Star.

Nais ng prinsipe na isabak siya sa mga operasyon kasama ang kanyang mga tauhan, dahil siya ay sinanay bilang lider at nais niyang mamuno, dagdag pa ng sources.

Nais ng 30 taong gulang na prinsipe, na nakatakdang maging major mula sa pagiging captain sa susunod na 18 buwan, na makapagmando ng isang Apache squadron kapag nagpatuloy ang digmaan sa Iraq at Syria.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Naghahanda na ang defense chief na magpadala ng walong Apache helicopter gunships na susuporta sa nanghihinang Iraqi forces sa digmaan laban sa ISIS.

Bagamat maaaring magkaproblema ang prinsipe sa top brass, gaya nang nangyari nang hilingin niyang lumaban sa Iraq noong 2007 kaugnay sa mga pangamba na siya ay magiging high-value target para sa Iraqi insurgents.

Ngunit ang deployment ng walong Apache helicopter ay magdudulot ng malaking pagbabago sa military commitment ng Britain.