Nag-alok kahapon ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng P200,000 pabuya sa makapagtuturo sa mga responsable sa pagdukot at panggagahasa sa tatlong biktima sa Magallanes Interchange sa Makati City.

Dahil sa hindi pa nareresolbang kaso ng gang rape sa Makati, plano rin ng MMDA na dagdagan ang mga closed circuit television (CCTV) camera maging ang pagpapakalat pa ng tauhan ng ahensiya na magpapatrulya sa Magallanes.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tiyak ng Makati City Police kung iisang van at grupo ang nasa likod ng mga kaso ng gang rape.

Unang biktima ng gang rape ang 21 anyos na estudyante na naglalakad sa EDSA-Magallanes matapos hintuan ng van bago hinatak papasok ng sasakyan ng tatlong lalaking naka-bonnet at tinakpan ng panyo na may kemikal ang ilong at bibig ng dalaga saka hinalay at iniwan sa Malolos Bulacan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Noong Nobyembre 3, dinukot ang 14 anyos na estudyante sa Kalayaan Avenue sa Makati at ginahasa subalit nagawa nitong makatakas nang huminto ang van ng mga suspek sa gas station.

Parehong sitwasyon naman ang sinapit ng 19 anyos na transgender na fashion student at iniwan itong hubad ng mga suspek sa Laguna matapos ang insidente.