NAGTATAKA ang mga artista ng mga pelikulang kapapalabas kung bakit hindi kumita.

Mismong ang mga artistang ito ang nakatsikahan namin at nabanggit nga nila na hindi nila ini-expect na hindi magba-blockbuster ang pelikula nila dahil tadtad naman sa promo at higit sa lahat, maganda ang pelikula nila.

Maging ang mga bida sa nakakatawang pelikula ay ganito rin ang reklamo, bakit daw hindi na big hit ang pelikula nila.

Sabi namin, baka napasabay lang sa pagbubukas ng second semester at siyempre mas inuna ng parents at mga estudyante ang pambayad sa eskuwelahan o baka nag-iipon na rin ang lahat para sa darating na Pasko lalo’t maraming opisina raw ngayon ang hindi na magbibigay ng bonus.

Pero hindi lang naman local movies ang mahina ngayon kundi maging ang foreign films din. Katunayan, may pinanood kaming Hollywood film na pawang malalaking artista ang bida, pero labindalawa lang kami sa loob ng sinehan at take note, unang araw iyon ng palabas.

‘I don’t intend to run!’ Trillanes, walang natatanggap na alok sa 2028 nat’l election

Sabi ng mga takilyera, hindi nga raw malakas ang mga sine ngayon, baka raw nag-iipon para sa MMFF. Posible rin, di ba, Bossing DMB? (Big check! --DMB)

Mabuti pa ang Cinema One Originals na tigdalawang milyon ang budget sa bawat pelikulang kasali sa festival na nagsimula noong Nobyemre 9 at magtatapos sa Nobyembre 15 ay nababawi ang puhunan.

Sabi sa amin ng Cinema One head na si Mr. Ronald Arguelles, marami kasi silang sponsors kaya kahit hindi tinatao ang mga pelikula nila sa sinehan ay bawing-bawi sila sa rami ng sponsors.

Mukhang totoo naman dahil nakakasampung taon na ang Cinema One Originals at patuloy pa rin silang nagpo-produce. Hindi kagaya ng Cinemalaya na ang sabi’y hindi na makakapagpatuloy dahil sa kawalan ng pondo.

Sabi ng mga artistang nakatsikahan namin, “Kawawa ang mga producer kaya dapat tayong mga artista huwag nang maningil ng mahal na talent fee para may trabaho pa rin tayo.”