Idedestino sa mga Police Community Precinct (PCP) ang mga pulis na nagpapalaki ng tiyan sa opisina, upang tumulong sa pagsugpo ng krimen sa una at ikalawang distrito ng Caloocan City.

Sinabi ng bagong talagang police commander ng Caloocan Police Station na si P/ Sr. Supt. Bartolome Bustamante, napapanahon na para idestino sa labas ang mga antigong pulis na nasa loob lamang ng malalamig nilang opisina upang makatulong sa pagresponde sa mga krimen sa barangay.

Karamihan aniya ng mga matatagal nang pulis ay hindi na nagpapa-assigned sa mga PCP at nagkakasya na lang na pumasok sa otso oras sa kanilang opisina.
National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'