SANTA IGNACIA, Tarlac - Dahil maghapon nang nag-iinuman ang isang magkapatid na lalaki kasama ang mga barkada ng mga ito, nasagad na umano ang pasensiya ng kanilang ama hanggang pagtatagain nito ang mga anak sa Barangay Caduldulaoan, Santa Ignacia, Tarlac, noong Linggo ng gabi.

Pinagtataga ni David Salcedo, 66, biyudo, sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga anak na sina Rodolfo Salcedo, 35; at Arturo Salcedo, 29, kapwa magsasaka at pawang residente ng nasabing lugar.

Agad namang naisugod sa Don Gilberto Teodoro Memorial Hospital ang magkapatid.

DSWD, ‘to the rescue' sa viral PWD na kinuyog sa EDSA carousel