TALUGTOG, Nueva Ecija - Patay na nang maisugod sa pagamutan ang isang 75-anyos na babae sa bayang ito na pinagnakawan at pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang katulong sa bukid sa Barangay Fronda noong Linggo.

Sa ulat na ipinarating ng Talugtog Police sa tanggapan ni Senior Supt. Rizaldo Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Remedios Cabrera y Bernal, biyuda, may ari ng bukid, ng Bgy. Fronda, Talugtog.

Bread knife ang ginamit ni Jay-Ar Caridad, 30, tubong Iloilo, na matagal nang katulong sa mga gawain sa bukid ni Cabrera.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Oscar M. Estrel Jr., nagtalo ang biktima at suspek hanggang pagsasaksakin ang matanda at tinangay ang P100,000 cash nito.

Agad namang naaresto si Caridad.

National

‘Malaking insulto!’ Grupo ng mga alkalde, sinita pagliban ni Dela Rosa sa Senado