NASUGBU, Batangas - Matapos mahulog sa sinasakyang motorsiklo, nasagasaan pa ng van ang isang lasing na lalaki sa Nasugbu, Batangas.

Dead on arrival sa Apacible Memorial Hospital si Renier Enriquez, 23 anyos.

Ayon sa report ni PO3 Garry Felicisimo, dakong 5:45 ng hapon noong Nobyembre 9, nakaangkas si Enriquez sa motorsiklo ni Kenneth Riz, 16, nang bigla siyang mahulog sa kalsadang sakop ng Barangay Lumbangan.

Bigla umanong may nag-overtake na van at nasagasaan si Enriquez, pero agad na humarurot patakas ang van.

Tropical Storm 'Hagupit,' hindi lalakas kapag pumasok sa PAR