KALIBO, Aklan – Naiuwi na ng pamilya ang labi ng 25-anyos na sundalo na napatay matapos tambangan kamakailan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Albay.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Private First Class Jayrom Zambrona, tubong Libacao, Aklan, at tauhan ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Nobyembre 3 at lulan ng motorsiklo si Zambrona kasama ang isa pang sundalo patungo sa evacuation center nang pagbabarilin sila ng mga rebelde. - Jun N. Aguirre

Eleksyon

Comelec precinct finder, inirereklamo ng mga botante dahil hindi raw gumagana