V-LEAGUE-pic-16-copy-619x417

Mga laro ngayon: (Fil-Oil Flying V Arena):

12:45pm – FEU vs. RTU (for third-M)

2:45pm – IEM vs. Systema (for title-M)

Hindi nagpatinag sa matinding larong ipinakita ng Philippine Army ang Cagayan Valley sa kabila ng pagkakaiwan nito ng 0-3 sa deciding set, para pataubin ang una at makamit ang asam na titulo ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa pamamagitan ng 22-25, 25-23, 25-17, 20-25, 15-9 na panalo noong Linggo ng gabi sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Dahil sa ‘occasional fall:’ FPRRD, naka-detention monitoring sa ICC

Mula sa nasabing panimula sa fifth set, nagsalansan ang Lady Rising Suns ng pitong sunod na puntos para maagaw ang kalamangan sa iskor na 12-6 matapos humabol at dumikit sa iskor na 5-6.

Dahil sa panalo, ganap na nawalis ng Cagayan ang kanilang best-of-3 finals series ng Lady Troopers at nakamit ang ikalawang sunod na kampeonato sa liga na inorganisa ng Shakey’s sa tulong ng Accel at Mikasa.

Sapagkat napaghandaan, hindi nasorpresa ang Lady Rising Suns sa paglalaro ng guest players ng Lady Troopers na sina Dindin Santiago at Mina Aganon.

“Sabi ko sa mga players ko, na i- treat nila ang labang ito na parang idini-defend naming an gaming title,” pahayag ni Cagayan coach Nestor Pamilar.

Pinangunahan ni conference MVP Aiza Maizo Pontillas ang nasabiong p[analo sa kanyang itinalang 25 puntos na siyang naging susi upang makamit din niya ang parangal bilang Finals MVP.

Sumunod naman sa kanya ang Thai imports na sina Hyapha Amporn at Patcharee Saengmuang na nagposte ng 21 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa pamilya ko sa Iloilo ako kumukuha at humuhugot ng lakas at inspirasyon,” pahayag ni Maizo na makadalawang ulit nanang nagwagi bilang conferene at finals MVP sa liga kasunod ng kanyuang pagwawagi noong 2006 para sa koponan ng kanyang alma mater University of Santo Tomas.

Nauna rito, pinadapa ng Instituto Estetico Manila ang Systema Tooth and Gum Care, 19-25, 25-19, 13-25, 25-21, 15-13, para makapuwersa ng winner-take-all Game Three sa pinag-aagawan nilang kauna-unahang men’s title sa liga.

Pinangunahan ni Conference MVP Jeffrey Jimenez ang nasabing panalo sa kanyang ipinosteng 17 puntos na kinabibilangan ng 13 hits at tatlong blocks.

“Simple lang ang sinabi ko sa kanya (Jimenez), ‘prove to them that you’re an MVP’, this time tsinallenge ko sya,” pahayag ni IEM coach Jun Balubar patungkol sa kanyang manlalaro.

Ngunit hindi lamang si Jimenez ang hinamon nya ayon kay Balubar kundi ang buong team at tumugon naman ang mga ito sa kanyang hamon.

“Sabi ko sa kanila bakit kailangan nating makipagsabayan ng atake sa kanila kung kaya naman nating pumntos sa depensa,” ayon pa kay Balubar. “’Wag natin isuko ito, whatever happens focus lang tayo.”