Ibinunyag ni Ungkaya Pukan Vice Mayor Joel Maturan noong Linggo, na dalawang foreign bomb expert na mula sa Malaysia at Indonesia ang nagsisilbing trainer ng mga bagong miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan.

Ito ang ibinunyag ni Maturan kasunod ng impormasyon na patuloy ang malawakang recruitment ngayon sa mga residente sa lalawigan para sumali sa bandidong grupo.

Target ng grupo ang kalaakihang may edad 18 taon pababa na walang mga pinag-aralan at ulila sa mga magulang.

Kahirapan ang isa sa nakikitang dahilan ni Maturan kung bakit nakukumbinsi ng mga bandido ang mga binatilyo na sumama sa grupo.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Sinabi ni Maturan na ginagawa mismo ang training sa isang lugar sa Basilan pero hindi na nito tinukoy ang partikular na lugar.

“Base sa nakuha kong impormasyon isang Malaysian at Indonesian na expert sa paggawa ng bomba. Tinuturuan nila sa paggawa ng bomba ang mga ASG sa Basilan,” sabi ni Maturan.

Ang mga impormasyon na ito ay ibinigay ni Maturan kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Gregorio ‘Pio’ Catapang Jr. sa isinagawang consultative meeting ng opisyal sa mga local executive ng Basilan na ginanap sa Western Mindanao Command (WestMinCom).