Darating sa bansa ang limang international judge sa Wushu upang mag-inspeksiyon sa mga pinaplanong venue at magbigay ng punto ukol sa disiplina na isasagawa sa unang pagkakataon sa bansa na 6th ASEAN Schools Games (ASG) simula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 7.

Sinabi ni Wushu Federation of the Philippines (WFP) secretary general Julian Camacho na “protocol” sa bansang magsasagawa ng isang torneo ang pagbisita ng mga opisyales upang tingnan at irebisa ang kaayusan ng lugar at ang kapakanan ng mga batang kalahok.

“We have some concerns also with regards to the scoring system that we have to talk to DepEd,” sabi ni Camacho.

Ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Education, ang tatayong host sa unang pagkakataon base sa isinasagawa na pag-ikot ng torneo kada taon sa mga miyembro nitong bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mayroon naman na kabuuang 1,593 kabataang estudyante mula sa pitong bansa ang kumpirmadong lalahok. Una rito ang Indonesia (254), Thailand (266), Singapore (259), Malaysia (267), Brunei (157), ang nagtatanggol na kampeon na Vietnam (118) at ang host na Pilipinas (272).

Isinasagawa naman ang ASEAN School Games kada taon upang mapalawak ang pagkakaibigan at pagkakaisa sa mga estudyanteng atleta sa mga bansang nasa Southeast Asian na kinabibilangan ng Pilpinas, Malaysia, Singapore, Indonesia, Brunei, Laos, Vietnam, at Thailand.

Huling lumahok ang Pilipinas sa ginanap na 5th ASEAN Schools Games sa Hanoi, Vietnam kung saan ipinadala nito ang piling 2013 Palarong Pambansa medalists.

Nagawang mag-uwi ng delegasyon ng tatlong tansong medalya sa boys’ volleyball, girls’ basketball at boys’ javelin throw sa katauhan ni Bryan Jay Pacheco.

Matatandaang nagawang burahin ang Palarong Pambansa record pati na ang personal best nito sa event. Una nang binura ni Pacheco ang Palarong Pambansa record sa shot put.

Ilan sa pinaglalabang sports ay track and field, swimming, basketball, badminton, gymnastics, table tennis (ping pong), at volleyball. Kabilang din ang sepaktakraw (kick volleyball) at pencak silat (martial arts).

Tumapos ang Pilipinas na panghuling puwesto sa 0-0-3 ginto-pilak-tansong medalya. Nagwagi ang Vietnam sa overall title sa tinipong 50-27-23.

Sa kabuuan ay mayroon pa lamang na naiuuwing 1 ginto, 4 na pilak at 9 na tanso para sa 14 na medalya na naiuuwi ang Pilipinas sa torneo.