MAGLALAKBAY si Pangulong Benigno S. Aquino III pa-Beijing, People’s Republic of China, upang dumalo sa 26th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa November 10-11, 2014 sa nakamamanghang Yanqihu Lake sa Huairou District, isang pamayanan 50 kilometrom mula central Beijing. Ito ang pangalawang pagkakataon para sa China na maging punong abala sa top-level economic meeting; ang una ay idinaos sa Shanghai noong 2001.

Ang summit ngayong taon, na may temang “Shaping the Future Through Asia-Pacific Partnership,” ay mahalaga para sa Pilipinas sapagkat ito ang magiging punong abala sa susunod na taon. Idinaos sa bansa ang APEC noong 1996, na nagresulta pagpapatupad ng Manila Action Plan sa naturang pagpupulong. Umanib ang Pilipinas sa APEC noong Nobyembre 6, 1989.

Tatalakayin ng Pangulong Aquino sa mga head of state ng 21 member-economy ang multilateral trade mechanisms, trade protectionism, global partnership of value and supply chains, at economic and technology cooperation. Ibabahagi niya ang kanyang pananaw sa tatlong prioridad ng APEC - advance regional economic integration; promote innovative development, economic reform and growth; and strengthen connectivity and infrastructure development.

Inaasahan na ilalahad sa mga leader ang kahandaan ng Pilipinas para sa planong ASEAN Economic Community sa 2015, kung saan ang APEC, na isang regional forum, ay tutupad ng malaking tungkulin. Ibabahagi rin niya ang paglago ng ekonomiya ng bansa – ang pinakamabilis sa Southeast Asia – pati na rin ang mainam na investment climate at mga resulta ng kanyang mga polisiya sa transparency at mabuting pamamahala. Sa iba pang aktibidad, pupulungin ni Pangulong Aquino ang iba pang APEC leader, kabilang ang isang posibleng pag-uusap kay Chinese President Xi Jinping.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nagsimula ang APEC noong 1989 upang paigtingin ang economic cooperation sa Asia- Pacific Rim. Lumago ito bilang pinakamataas na cooperation system, at ito ang pangunahing puwersa sa pagtataguyod ng malayang kalakalan, investment liberalization, at technical cooperation upang pasiglahin ang paglago ng ekonomiya at paangatin ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng 21 member-economy – ang Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Philippines, Russia, Singapore, Taiwan, Thailand, United States, at Vietnam. Nakikita nito ang isang infrastructure construction investment bank na maaaring gumamit ng extra kapital ng mga miyembro ng APEC, magtaguyod ng kaunlaran sa rehiyon, at paigsiin ang mga puwang regional development, at paigsiin ang mga puwang sa kanilang pagitan.