BEIJING (AP)— Nagdaos sina Chinese President Xi Jinping at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng isang ice-breaking meeting noong Lunes sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation conference sa Beijing, kasunod ang mahigit dalawang taon ng matinding tensiyon sa mga pinag-aagawang isla.

Ang iringan ng China at Japan sa kapuluan sa East China Sea ay nagtaas ng pangamba ng military confrontation ng dalawang pinakamalalaking ekonomiya sa Asia.

Ang pagpupulong nina Xi at Abe noong Lunes bago ang summit ng 21-miyembrong APEC ngayong Martes ay nagbigay ng pag-asa na maayos ang gusot ng dalawang bansa.

National

Taga-Maynila, winner ng ₱107.8M sa Lotto 6/42