MAY nakapagsabi: “Dalawa sa sanlibong matatalinong tao, ang magbibigay ng kahulugan sa tagumpay sa parehong salita, ngunit laging iisa lang ang kahulugan ng kabiguan.” Habang ang tagumpay ay maaaring masukat sa halaga (sa pera man o iba pa), ang kabiguan ay iisa lang ang sukat. Narito ang ilang bagay na ginagawa ng tao kung kaya sila nabibigo:

  • Hindi nila nauunawaan ang kahalagahan ng panahon. – May nakapagsabi: Alam ng kahit na sinong entrepreneur na mas mahalaga ang panahon kaysa pera mismo.
  • Ang hindi umaasa ng tagumpay ay yaong hindi nagpapahalaga sa oras. Nasa kung saan-saan sila, pakalat-kalat, ni hindi inaalintana kung anong oras na, dahil kapos sila sa abilidad na ilaan ang kanilang panahon patungo sa kanilang pangarap. At habang humahakbang ang mga taon, gumagawa sila ng mga bagong pangako sa sarili na hindi naman natutupad sapagkat hindi sila naglalaan ng panahon na hinihingi ng kanilang pangarap. Ang pangangasiwa ng oras, ang pagtanggi sa ilang commitments, ay ilan lamang sa mga hakbang tungko sa tagumpay sa anumang aspeto ng ating buhay.

    National

    Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

  • Hindi nila ginagagawa ang mga bagay na kaugnay ng kanilang pangarap. – May nakapagsabi: Hindi mahirap magdesisyon kung alam mo ang mga bagay na mahalaga sa iyo.

Kung mahalaga sa iyo ang isang objective, nasa mataas na bahagi ito ng iyong listahan ng mga gagawin, at maraming disiplina ang dapat taglayin na kailangang iugnay doon. Kung hindi naman gaano mahalaga ang isang objective, nasa ibabang bahagi iyon sa iyong listahan. Ang hindi mga hindi nagtatagumpay ay napagkakamalang productivity ang pagiging busy. Kapag isinulat mo ang iyong objectives pati ang mga hakbang na ginagawa mo para roon, mas madali mong malalaman kung gaano kalayo o kalapit ka sa iyong pangarap; malalaman mo rin kung tama ang iyong ginagawa o nagaaksaya ka lamang ng oras.

Ang karugtong, bukas.