Naperhuwisyo ang libu-libong pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) makaraang muling magkaaberya ang isang tren nito nang sumabit sa basura sa pagitan ng Magallanes station sa Makati City at Taft Avenue station sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Ayon kay MRT-3 General Manager Renato San Jose, dakong 10:25 ng umaga nang agad nagpatupad ng provisional service ang mga tren mula sa North Avenue hanggang Shaw Boulevard station lang at pabalik.

Paliwanag ni San Jose, napilitang ihinto ang mga biyahe ng MRT nang may sumabit na basura sa kable na nagsu-supply ng kuryente sa mga bagon ng tren sa pagitan ng Magallanes at Taft Avenue station.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Pinaniniwalaan ng awtoridad na sadyang ibinato ang basura sa riles.

Sa nakalipas na dalawang linggo ay walang aberyang naranasan ang MRT subalit nakakuha naman ito ng bagsak na grado mula sa Hong Kong experts na bumisita sa bansa upang suriin ang naturang rail system.