Kamay na bakal ang dapat ipatupad para masugpo ang sindikato ng droga sa Caloocan City.

Ito ang matapang na pahayag ni Mayor Oscar Malapitan kaugnay ng patuloy na pagdami ng gumagamit at nagbebenta ng shabu sa lungsod.

Nagdeklara rin si Malapitan ng all-out war laban sa sindikato ng ilegal na droga, sinabing lalong dumadami ang nalululong sa droga partikular, ang kabataan, na nagiging dahilan ng paglaganap ng krimen, tulad ng holdapan, pagnanakaw, snatching at iba pa.

Kasabay nito, binalaan din ng alkalde ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) na kakasuhan at ipasisibak sa tungkulin ang mga nagpapakawala sa mga naaaresto sa pagtutulak ng droga at gumagamit nito kapalit ng salapi.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza