Jason-Abalos_JIMI-copy-436x500

SA loob ng isang dekada ay ipinamalas ni Jason Abalos ang pagiging loyal na Kapamilya. Hindi niya inisip na lumipat sa ibang network for greener pastures. Hindi siya mareklamong tulad ng iba. Tinanggap niya nang maluwag sa kalooban ang projects kahit supporting ang roles niya.

Kaya malaking pagbabago sa lahat ng dati niyang assignments nang gawin siyang lead character sa local adaptation ng Korean telenovelang Two Wives na simula nang umere ay hindi bumababa ang rating.

“May captive market na kasi at dahil sa Pinoy flavor ay marami ang curious alamin kung ano ang mga p’wede pang mangyari. May changes kaming ginawa na umaayon sa kulturang Pinoy,” sabi ni Direk Ruel Bayani na business unit head ng Two Wives.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Satisfied ang karamihan sa viewers sa makatotohanang pagganap ni Jason bilang Victor Guevarra, ang philandering husband. Isa pang obserbasyong aming nasagap ay lagi raw inaabangan ang paghuhubad na gagawin ni Jason.

Deserving si Jason sa nilalasap niyang bagong tagumpay. Sana ay masundan pa ito ng marami pang proyekto na siya ang bida. (Remy Umerez)