Inihayag ni UNESCO Chief Irina Bokova na sinisikap na ngayon ng Interpol, sa pakikipagtulungan ng ibang awtoridad, na mapigilan ang kalakalan sa pagpupuslit ng artifacts ng sinaunang sibilisasyon na tumutulong upang mapondohan ng Islamic State (IS) ang mga operasyon nito.

Ang sinasabing “cultural cleansing” ng IS sa mga grupong minorya na nagsimula sa kanilang bayan sa hilagang Iraq ay nagbunsod sa pangamba na nanganganib ngayon ang lahat ng kultura ng sinaunang sibilisasyon dahil mistulang plano itong burahin ng grupo, babala ni Bokova.

“It can be compared to the Nazi methods, and here I think it goes all across the board,” ani Bokova, director general ng UNESCO. “Either they conform to their views of religion or belief or they have to disappear. I don’t remember anything like that in contemporary history.” (Christian Science Monitor)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente