Ang tunay na sukat ng pagkalalaki ay ang pagharap sa nagaakusa sa kanya ng kamalian, ayon kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano.

Ang pahayag ni Cayetano ay bilang tugon sa hamon nina United Nationalist Alliance (UNA) executive Rep. Toby Tiangco at Atty. JV Bautista na naghamon sa senador na “magpakalalaki” at maghain ng kaso laban sa kanila kung sa tingin nito ay may ginawa silang labag sa batas nang nagtangka ang dalawa na magsalita sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Oktubre 31 upang depensahan si Vice President Jejomar C. Binay.

“Tinanong nila na magpakalalaki ako? Ang paniniwala ko ay ang tunay na sukatan ng pagkalalaki, at ang mga may asawa ay alam ito, ay may tapang na harapin ang mga nag-aakusa sa kanya,” pahayag ng senate majority leader.

“Kung inaakusahan ka at alam mo na hindi ka guilty, dapat sagutin mo (ang mga paratang). Sa halip na masayang ang oras ko sa paghahain ng kaso laban sa kanila, bakit hindi na lang nila kausapin si VP at sabihin sa kanya, ‘Please speak up, boss’,” dagdag ni Cayetano. - Ellson A. Quismorio

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho