HINDI na yata malilimutan ang Nobyembre 8, 2013 sa kasaysayan ng tao. Hinagupit ng supertyphoon Yolanda ang Eastern Visayas lalo na ang Samar at Leyte. Unang binulaga ni Yolanda ang Tacloban City kaya napuruhan ng pinakamalakas na bagyo sa buong daigdig na nag-iwan ng mahigit anim nalibong patay. Bumagsak ang kabuhayan, milyon ang nawalan ng tahanan. Winasak ang lahat ng dinaanan ni Yolanda, walang batong iniwang magkapatong, nangawala ang mga pamilya, nagiba ang mga paaralan, pati na ang mga simbahan. Sa kabila ng naganap na trahedya, nakita ang pagiging matatag ng ating mga kababayan. Bagamat tila kalbaryo ang aakyatin sa muling pagbangon hindi nawala ang pagasa at matibay na pananalig sa Diyos na makabangon sa pagkalugmok. Sa tulong ng iba’t ibang international organization, non-government organization, tulong pinansiyal ng ibang bansa at ng ating gobyerno na sinasabing mabagal ang rehabilitasyon, unti-unting bumangon at nakatanaw ng pag-asa ang ating mga kababayan.

Ginunita noong Sabado ang unang anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Yolanda. iba’t ibang gawain ang ginanap sa Samar, Leyte at Tacloban City. Nagdaos ng misa sa Holy Cross Memorial Park kung saan nakalibing ang may 2,000 biktima ng bagyo. Bahagi rin paggunita ang pagsisindi ng 24,000 kandila sa kalsada ng lungod. Ang candlelight memorial ay hindi lamang paggunita sa mga namatay na mahal sa buhay kundi pasasalamat din sa lahat ng mga tumulong sa mga biktima ng trahedya. Ipinahayag naman ng Catholic Bishops Conference of the Phiilippines (CBCP) na ang Nobyembre 8 ay National Day of Prayer para sa mga biktima at

nakaligatas sa bagyong Yolanda.

Bilang pakikiisa sa paggunita ng unang anibersaryo ng bagyong Yolanda, narito ang tulang sinulat ng iyong kolumnista. Alay ko ito sa mga biktima May pamagat na “Yolanda: Babae at Bagyo”. “Yolanda/ Binyag kang pangalan/ sa mga dalaga/ Nang ika’y mahalin/ handugan ng wagas na pagsinta,/ Ulirang maybahay/ at butihing ina./ Yolanda, nang maging bagyo ka/ ang Eastern Visayas,/ nalugmoknalumpo,/ ang pinsalang dulot/ sa buhay ng tao,/ namatay at nawala’y umabot/ ng higiit sa anim na libo;/Bahay at kabuhayan/ nalugmok ding ganap,/ kasama ang kanilang/ mithi at pangarap.”
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya