Totoong namangha ako sa teknolohiyang nakakabit sa kotse ng isa kong kaopisina nang magyaya ang huli na kumain kami sa isang mumurahing restaurant na kanyang natuklasan. Inamin niya na regalo lamang sa kanya ang Global Posistioning System (GPS) na kanyang inikabit sa dashboard ng kanyang kotse ngunit laging tulong sa kanyang pagmamaneho. Sapagkat kakapusin kami sa oras kung tatahakin namin ang karaniwang ruta patungo sa naturang restaurant, nagagawa ng GPS na ituro sa amin ang mas maigsing ruta paroon. Basta ita-type mo lang sa GPS ang pupuntahan mo, at makinig ka na sa naturang gadget rutang dapat mong tahakin. Maginhawa ang pagmamaneho ng aking kaopisina.

Nakapagmaneho ka na ba ng may ayuda ng GPS na gumagamit ng computerized na tinig na nagbibigay sa driver ng mga direksiyon? Na nagsasabi kung ilang metro na lang ang lilikuan mo, kung aling kanto ka dapat lumiko, kung gaano kalayo pa ang distansiya mo bago marating ang iyong pupuntahan? Kung gagamit ka ng teknolohiyang ito at nawala ka sa direksiyon, sasabihin nitong gumamit ka ng ibang ruta.

May kahalintulad ding mensahe si Jesus para sa mga taong nangangailnagan ng ibang direksiyon sa buhay. Ang Kanyang mesahe: “Magsisi sa iyong mga kasalanan at magbalik ka sa Diyos”. Sinasabi ni Jesus sa kanila na tinatahak nila ang direksiyon na papalayo sa Diyos, at ngayon na ang panahon na bumuwelta at simulang tahakin ang Kanyang direksiyon.

May ilan sa atin ang inaakala na ang pagsisisi ay isang bagay na ginagawa nang minsan lang kapag nagpasya silang tahakin ang direksiyon ng Diyos. Ngunit para sa mananampalataya, ang pagsisisi ay paraan ng buhay. Habang naglalakad tayong kasabay si Jesus, patuloy na ipakikita sa atin ng Espiritu Santo ang mga lugar sa ating buhay kung saan tayo nagkamali ng direksiyon. Nananawagan Siya na tayo ay magpahinga sandali at magsisi.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kapag narinig mo ang tinig ng Diyos na nagsasabing mali ang tinatahak mong direksiyon, agad kang tumalima at sumunod sa kanyang panuto. Sundan mo ang Kanyang direksiyon.