Bukas pa rin ang Senado kay Vice President Jejomar Binay sakaling magdesisyon na itong humarap sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Senator Alan Peter Cayetano, possible pa namang mangyari ito dahil matagal pa ang susunod na pagdinig at baka magbago pa ang isip ni Binay.

“Any time pwedeng pumunta rito ang vice president. Pero hayaang tanungin din sya. Maaari s’yang maghain ng ebidensya, kagaya noon ni Sen. Bong Revilla,” ani Cayetano.

Pero ayon naman kay Sen. Teofisto Guingona III, eto na ang huli niyang imbitasyon kay Binay, at kung gusto nitong dumalo mag-abiso na lamang ito.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Hindi dumalo si Binay sa pagdinig noong Huwebes sa kabila ng panawagan na dapat nitong sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya at ilang miyembro ng pamilya.

Sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ang hindi pagdalo ni Binay sa pagdinig ay parang pag-amin na rin ng mga akusasyon laban sa kanya.

“My thoughts are from the Bible. The innocent are as brave as a lion. The guilty flee,” opinyon ni Santiago.