SAN FRANCISCO (AP) — Nang isagawa ang autopsy sa katawan ni Robin Williams, lumabas na siya ay negatibo sa droga o alak na maaaring maging dahilan upang siya ay magpakamatay sa kanyang tahanan sa Northern California noong Agosto, ayon sa sheriff’s official noong Biyernes.

Base sa resulta na inilabas ng Marin County, napag-alaman na ang aktor ay uminom ng kanyang gamot, ngunit nasa “therapeutic concentrations.”

Ayon sa Sheriff’s official, si Williams ay natagpuang patay sa kanyang silid umaga ng Agosto 11. Suicide ang nakitang sanhi ng pagkamatay ng aktor, na ayon sa sheriff’s officials ay nagpatiwakal gamit ang kanyang sinturon.

Nagpahayag ang asawa ni Williams na si Susan Schneider, at sinabing may matinding pinagdadaanan ang kanyang mister na hirap makatulog at kinakitaan ng mga senyales ng paranoia.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinumpirma ng medical records ng aktor na siya ay na-diagnose na may Parkinson’s disease noong Nobyembre 2013 ngunit kinakitaan na ito ng sintomas simula noon pang 2011.

May dalawang uri ng antidepressants na iniinom si Williams hanggang sa pumanaw, pati na rin ang gamot para sa Parkinson’s disease, caffeine at isa pang ingredient na nakukuha sa mga tsaa at cocoa, base sa autopsy.

Nakita rin ang hiwa sa kanyang pulso at isang balisong ang natagpuan malapit sa kanya.

Setyembre 20 orihinal na inilabas ang autopsy at ang Toxicology tests ng aktor. Inihayag ng Marin County officials na sa Nobyembre 3 ilalabas sa publiko, ngunit ito ay hindi natuloy. Ang Toxicology reports ay inabot ng anim na linggo bago nakumpleto.