Aasa ang 77 atletang Team Philippines sa kasalukuyang windsurfing world champion na si Geylord Coveta, world jetski third placer Billy Joseph Ang at Southeast Asian Games muay thai gold medalist na sina Philip Delarmino at Jonathan Polosan sa 4th Asian Beach Games 2014 sa Phuket, Thailand.

Ito ang pahayag ni Team Philippines Chef de Mission Richard Gomez sa send-off ceremony noong Biyernes ng gabi kung saan ay inalayan ng panalangin at binigyan ng pag-asang lumaban nang husto ang pambansang delegasyon na lalahok sa kada dalawang taong torneo simula sa Nobyembre 14 hanggang 23.

“We're always hopeful that we can bring home more medals compared to the last beach games. But again, this is sports. It's hard to make promises,'' sinabi ni Gomez.

Hindi pa nakakapag-uwi ng gintong medalya ang Pilipinas sa nakalipas na tatlong edisyon ng torneo na sinimulan noong 2008 sa Bali, Indonsia. Tanging naiuwi ng mga Pinoy ay 4 pilak at 10 tanso.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Itinakda naman na flag-bearer ng bansa, na sasamahan ng 24 officials, si Melissa Jacob.

"We're positive that our athletes will give their best to win those medals," pahayag ni Phililippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia na nasa pagtitipon din kasama si executive director Guillermo Iroy Jr. at ang ilang mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC).

Umaasa rin sina Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) president at COO Jorge Sarmiento, na siya mismong nagkaloob ng insentibo sa medal-winning athletes sa 17th Asian Games at 2nd Asian Para Games na parehong ginanap sa Incheon, Korean at world dragonboat championships sa Poland, sa kampanya ng bansa.