Inaasahang patuloy na babagsak ang temperatura sa mga susunod na linggo habang papalakas ang hanging amihan o northeast monsoon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni Buddy Javier, weather forecaster ng PAGASA, na ang nasabing kondisyon ay nangyayari habang papalapit ang Pasko.

“Lumalakas ang northeast monsoon. Makakaranas tayo ng mas malamig na temperatura sa susunod na mga araw,” ani Javier.

Sinabi pa ni Javier na ang inter-tropical convergence zone (ITCZ) at hanging amihan ang nagdulot ng pag-uulan sa iba’t ibang lugar sa Mindanao at sa hilagang Luzon noong Biyernes.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Aniya, ang ITCZ ang nakaaapekto sa Mindanao habang sa Northern Luzon naman nakaaapekto ang amihan.