Magsisimula na ang isang kritikal na bahagi ng paghahanda ng bansa laban sa Ebola sa Martes, Nobyembre 11, sa pagdating ng 112 Pilipino mula Liberia kung saan nanatili sila roon nang maraming buwan bilang mga miyembro ng United Nations (UN) Peacekeeping Mission. Sila ang unang susubok sa kahandaan ng bansa sa paghawak sa problema ng mga taong maaaring nagtataglay ng nakamamatay na virus na kumitil na ng mahigit 5,000 buhay sa buong mundo, na ang karamihan nasa tatlong bansa sa West Africa – ang Liberia, Sierra Leone, at Guinea.

Ang magbabalik-bayang mga sundalo ay ibubukod sa loob ng 20 araw, na bilang ng mga raw upang lumilaw ang mga sintomas sa naapektuhang tao. Unang binalak na ibukod ang mga sundalo sa Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac, ngunit tinutulan ito ng mga lokal na opisyal sapagkat maraming sibilyan ang naninirahang malapit sa kampo, at marami ang manggagawa sa kalapit na mga komunidad. Ang plano ngayon ay ibukod ang mga sundalo sa isang isla sa bokana ng Manila Bay sa loob

lamang ng 20 araw.

Kung matuklasang isa sa 112 sundalo ay nagtataglay ng Ebola virus, umasa tayong babaha ng pangamba na maaari itong kumalat hindi lamang sa kanilang nilugaran kundi pati na rin sa kalapit na mga komunidad, at kalaunan sa buong bansa. Masusubukan dito kung gaano tayo kahanda sa isang emergency. Marami na ang naiulat na namatay sa ibang bansa tulad ng America at Spain kung saan advanced ang mga pasilidad ng kanilang mga hospital.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

May ilang katanungan tungkol sa sarili nating preparasyon. Hindi raw sapat ang protective gear na ginamit sa isang orientation training program kamakailan para sa public health workers, sapagkat may mga bukasan sa bahagi ng mukha at leeg kung saan maaaring maabot ng virus ang manggagawa ng hospital.

Ang ang UN Peacekeepers na ito ay ang tanging unang grupo ng nagbabalikbayang Pilipino. Habang papalapit ang Pasko, mas maraming Pilipino ang magsisiuwian upang makapiling ang kani-kanilang pamilya, at kabilang dito ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho ngayong sa West Africa. Kailangang madaling maispatan ng mga health personnel na nasa mga airport ang senyales na may Ebola virus ang isang tao. At, maaari ring itanong, sasailalim din ba sa 20 araw na quarantine period ang mga OFW na ito, tulad na binalak para sa mga UN Peacekeeper?

Idalangin natin na malampasan natin ang kritikal na panahong ito na ilang araw na lang. Samantala, kailangang repasuhin natin ang ating mga preparasyon at alamin kung ano ang ating nakaligtaan at kung ano pa ang maaaring pahusayin.