KINUMUSTA namin ang buhay may-asawa ni Jericho Rosales pagkatapos ng Q and A ng Red presscon last Thursday.
“Okay naman, pero malungkot ng konti kasi one month siyang nasa work sa France, Singapore and Bangkok, pero pauwi na siya,” say ni Echo. “So one month na akong ano, nagtitiis,” dagdag na poker-faced.
Pero kapag hindi siya busy ay kasama siya ni Kim bilang photographer.
“Ako rin ‘yung kumukuha ng pictures niya for blog minsan. So, ngayon kinailangan niyang magtrabaho with other photographers.”
Ilang taon pa ang plano nila bago sila maganak?
“Siguro mga two years or more, depende. We’ll know by next year siguro. Pero babalitaan namin kayo kasi lalabas ‘yun, makikita n’yo kulot,” pabirong sagot ng aktor.
Hindi papayag si Echo na magkaroon ng kissing scene si Kim kapag tuluyan na nitong pinasok ang pag-aartista.
Bagamat hindi sumagot, ngumiwi si Jericho kaya sabay-sabay ang press na nagsabing, ‘ayaw mo?’ na sinagot niya ng, “may sinabi ako? Walang lumabas sa bibig ko,” nakangiting sabi ng esposo ni Kim.
Tinanong din namin si Jericho kung kailan sila nag-umpisang mag-taping ng Bridges, bagong serye ng ABS-CBN.
“Nag-start na kami two months ago,” sagot niya.
Nasulat na namin kamakailan na tumanggi kaya hindi na si John Lloyd Cruz ang kasama nina Echo at Maja Salvador sa Bridges at pinalitan ito ni Xian Lim. Umpisa pa lang ng taping ay sinabi na raw ito sa kanila.
“Okay naman, we found an actor na, tuluy-tuloy na. Hindi pa kami nagkakaeksena (ni Xian), pero nagkasama na kami.”
Pangarap niyang makatrabaho si Lloydie kaya nanghinayang si Echo na hindi natuloy ang una sanang pagsasama nila, pero nagkausap na sila na sa susunod na proyekto na lang sila magsasama.
Okay ba sa kanya si Xian bilang kapalit ni Lloydie?
“Well, kapag lumabas na ‘yung produkto, kayo ang makakapagsabi niyan,” sabi ng aktor. “Story ng magkapatid (ang Bridges), ‘yun lang ang masasabi ko for now kasi pinagbabawalan kaming magkuwento, of course it’s a love story.”
Sa Enero 2016 daw ang airing ng Bridges na si Dado Lumibao daw ang direktor at isa pang nakalimutan ng aktor ang pangalan, “same team ng Legal Wife,” saan ng aktor.
Going back to Red, mapapanood ito bilang isa sa mga kasali sa Cinema One Originals Festival sa mga sinehan sa Nobyembre 12 kasama sina Mylene Dizon, Bibeth Orteza, JM Rodriguez, Nico Antonio, Shandii Bacolod, John Arceo, Rhea Lim, Miloy Seva, Milton Dionzon at Mercedes Cabral.