Mahigit sa isang bilyong piso ang ibinuhos na pondo ng mga Social Action Center ng Simbahang Katoliko sa relief, rehabilitation at recovery ng halos dalawang milyon katao na naapektuhan ng bagyong Yolanda. Katumbas ng P563M ang kabuuang budget ng humanitarian arm ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas sa malawakang recovery and rehabilitation program o REACH Philippines (Recovery Assistance to Vulnerable Communities Affected by Typhoon Haiyan in the Philippines) sa mga matinding naapektuhan ng bagyong. Ang 9.7 milyong Euro o P536M ay mula sa 41 Caritas Internationalis member organization sa anim na kontinente.

Sa tulong ng REACH Philippines, may 3,753 na permanent housing o disaster resilient shelter ang kasalukuyang itinatayo ng CBCP-NASSA katuwang ang mga apektadong Dioceses kung saan 1,600 sa mga bahay tapos na. May 35,550 na WASH facilities din ang naitayo ng CBCP-NASSA habang 70-food security and livelihood projects ang naipagkaloob nito sa 10,125 na household beneficiaries. Umaabot naman sa mahigit P120M ang ibinuhos ng Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila sa emergency aid response, recovery and rehabilition, chapel at housing construction, livelihood at scholarship programs sa siyam na Diocese na apektado ng bagyong Yolanda. Binubuo ng tatlong category ang recovery and rehabilitation phase.

Iniulat na 95% kumpleto ang pagpapatayo ng Caritas Manila ng 15-typhoon resilient chapel, isang convent, isang parish rectory, 60 bahay at 71 motorized na bangka, 11 non-motorized na bangka para sa Archdiocese of Palo, Diocese of Borongan at Calbayog, Archdiocese of Jaro at Diocese of San Carlos Negros Occidental.

Nakapagpatayo ang Caritas Manila ng 41 multi-purpose chapels at 2 Housing assistance projects sa Archdiocese of Palo, 11 multi-purpose chapel constructions at 1 Housing project assistance sa Diocese of Borongan at Calbayog. Konstruksiyon ng 1 Multi-purpose chapel sa Sta. Teresa de Avila Parish sa Archdiocese of Jaro, 1 Chapel construction at Seaweed farming assistance sa Parish of St. Bonaventure Quinluban Group of Islands sa Concepcion Agutaya, Palawan at 1 Chapel construction sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Bantayan, Cebu.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race