TOKYO (AFP)— Nadebelop ng mga Japanese ang isang paraan kung paano magawang halos transparent ang mga daga.
Gamit ang method na tinatanggal ang kulay sa tissue -- at pinapatay ang daga sa prosesong ito -- sinabi ng mga mananaliksik na kaya na nila ngayong suriin ang bawat organ o ang buong katawan ng daga nang hindi ito hinihiwa.
“We were very surprised that the entire body of infant and adult mice could be made nearly transparent,” sabi ni Kazuki Tainaka, pangunahing may-akda ng research paper na inilathala sa US-based Cell magazine, sa pahayag na inilabas ng Japanese research institute na RIKEN at mga katuwang nito.
Kasama ang University of Tokyo at ang Japan Science and Technology Agency, nakatuon ang proseso sa isang compound na tinatawag na haem, na nagbibigay sa dugo ng pulang kulay at matatagpuan sa halos lahat ng tissue ng katawan. Dito ibinobomba ang saline solution sa puso ng daga, itutulak ang dugo palabas sa circulatory system at mamamatay ang hayop.