Ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Nobyembre 9 bilang Feast of Dedication of the Basilic of St. John Lateran, ang Cathedral of the Diocese of Rome at ang opisyial na ecclesiastical seat ng Papa, ang Bishop of Rome. Nakaukit sa harap nito ay ang Latin na omnium ecclesiarum urbis et orbis mater et caput (mother and head of all churches of the city and of the world). Kasama ng Holy See, ang kapistahan ay isang universal celebration bilang pagmamahal at pagpaparangal sa sagradong basilika

Sa harap din ng basilika, na isang popular na pilgrimage site na dinarayo ng milyun-milyong deboto taun-taon, ay ang 15 higanteng estatwa ni Kristo, St. John the Baptist, St. John the Evangelist, at 12 Doctors of the Church. Sa loob matatagpuan ang historical relics – ang sinaunang kahoy na altar kung saan

nagdiwang ng misa si St. Peter habang nasa Roma siya. Naroondin ang busts nina Saints Peter at Paul sa ibabaw ng main altar; bahagi ng mesa kung saan ipinagdiwang ang Last Supper sa likod ng bronze na replika ng The Last Supper; at ang duguang hagdang marmol sa tahanan ni Pilato na nilakaran ni Jesus sa Kanyang paglilitis. Pinahihintulutang umakyat ang mga debotong nakaluhod sa naturang hagdan, na inihatid ng ina ni Constantine na si St. Helena.

Unang pinangalanang Basilica of Most Holy Savior, kalaunan pinangalanan itong St. John Lateran Basilica dahil itinayo ito sa lupaing ipinagkaloob ng pamilya

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Lateran. Pinasimulan ang konstruksiyon ni Emperor Constantine noong 313 AD upang bigyan ang mga Kristiyano ng isang bahay-dalanginan. Dinisenyo ni Pope Miltiades (311-314) ang orihinal na istruktura. Pinabanal ni Pope Sylvester noong 324, naging baptism church ito para sa mga unang Kristiyano at tahanan ng papa hanggang ika-15 siglo. Ang kapistahan ay para lamang sa Rome noon, ngunit sinimulan itong ipalaganap sa lahat ng simbahan noong 1565. Kalaunang itinalaga ito kina St. John the Baptist at St. John the Evangelist.

Sinira ng barbarian invasions noong 408 at 455, muli itong itinayo ni Pope Leo the Great (440-461), at pagkalipas ng ilang siglo, ni Pope Hadrian I (772-795). Matapos ang lindol noong 896, itinayo ito ni Pope Sergius III (904-911), at muling nagiba ng mga sunog noong 1308 at 1360. Inilipat ito sa Vatican , malapit sa St. Peter’s Basilica, na noo’y isang pilgrimage church.

Mahalaga ang kasaysayan ng Simbahang naganap sa St. John Lateran Basilica, kabilang na ang limang Ecumenical Council (1123-1521) at mga diocesan synod. Noong 1929, doon idinaos ang Lateran Pacts, na nagtatag ng teritoryo at estado ng State of Vatican City, at nilagdaan ng Vatican at Italian government.