Sinampahan sa Sandiganbayan ng kasong graft ang pangulo ng Cagayan State University matapos gamitin umano ang pondo ng unibersidad sa pagkukumpuni ng kanyang bahay at pagtanggap ng P100,000 mula sa isang kontratista.
Kinasuhan ng Ombudsman si CSU President Roger Perez ng two counts of violating the Anti-Graft and Corrupt Practices, tig-one count para sa malversation at indirect bribery.
Ang graft and malversation charges ay may kinalaman sa umano’y pagtanggap ni Perez ng suhol mula sa Freysinet Filipinas Corporation, ang kontratista na nakakuha ng prOyekto sa CSU campus na nagkakahalaga ng P1.19M noong 2006.
Napag-alaman ng state prosecutors na tumanggap si Perez ng tsekeng nagkakahalaga ng P140,000 mula sa Freysinet matapos mabayaran ng buo ang proyekto ng unibersidad.
Bukod dito, sinabi ng prosekusyon na inabuso ni Perez ang kanyang posisyon nang gastusin nito ang P40,015 halaga ng supply, equipment at labor ng CSU para sa pagpapakabit ng steel window at metal staircase ng kanyang bahay.