Esoterica

MASAYA ang filmmaker na si Elwood Perez na isasapubliko na ang kanyang pinakabagong obra na pinamagatang Esoterika: Maynila sa 2014 Cinema One Originals Festival ngayong 7 PM, sa Trinoma Cinema 7.

Ito ang kanyang ika-51 pelikula mula nang magsimula siya noong 1970’s at ang kanyang pinakauna matapos siyang parangalan ng Cinema One Originals ng tribute noong 2013.

Ang Esoterika: Maynila ay tungkol sa isang nagtratrabaho sa restaurant na naging tanyag sa larangan ng panitikan. Ang cast ay binubuo nina Ronnie Liang, Boots Anson Roa, Vince Tañada, Carlos Celdran, Snooky Serna, Lance Raymuno, Jon Hall, Cecile Guidote Alvarez, at maraming iba pa.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ayon kay Direk Elwood, ang Estoreika: Maynila ay base sa kanyang kabataan at personal na mga karanasan.

Samantala, ipapalabas din ang pelikulang The Lunchbox mula sa India ngayong ika-5 ng hapon sa Trinoma Cinema 7 din, bilang pambungad sa malaking opening night ng C1 Originals Festival.

Ang The Lunchbox ay tungkol sa magandang pagtitinginan ng isang matandang binata at isang babaeng may asawa. Ang kanilang pagkakaibigan ay nabuo dahil sa lunchbox na namali sa pagdeliver. Base ang kuwento sa mga dabawalla (mga lalaking nagdedeliver ng mga lunchbox) ng Mumbai, India.

Ang The Lunchbox ay nagkamit na ng 22 awards sa international film festivals, kabilang dito ang Critics’ Week Viewer’s Choice Award sa 2013 Cannes International Film Festival.

Sa ika-10 taong anibersaryo, ang lineup ng 2014 Cinema One Originals ay binubuo ng 10 full-length competition films, maiikling pelikula, mga obra mula sa Asya, at restored classics. Ang festival ay tatakbo hanggang November 18 at mapapanood sa mga sinehan sa Trinoma, Glorietta, Fairview Terraces at Greenhills Dolby Atmos. Para sa schedule ng mga palabas, i-like ang Cinema One Originals at Cinema One Channel Facebook pages, mag-log on sa www.sureseats.com (para sa Ayala cinemas) o tumawag sa tel. 722-4496/ 722-4532/ 722-4501 (para sa Greenhills Dolby Atmos).

Masayang ipinagdiriwang ng Cinema One, ang numero unong cable ng bansa, ang ika-20 taong anibersaryo nito.