LEGAZPI CITY - Umani ng papuri sa katatapos na World Bank Summit ang Albay bilang huwaran sa “Disaster Risk Reduction (DRR) for social protection,” at sa pagiging tanging lalawigan sa bansa na may 11 permanent evacuation center.

Co-sponsored ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 27 bansa, kasama ang mga opisyal ng Australian Aid, Asian Development Bank, at ng United States Agency for International Development, ang summit ay idinaos noong Nobyembre 3-4.

Ipinaliwanag ni Albay Gov. Joey Salceda sa summit ang DRR strategy ng lalawigan na nakatuon sa mabisang DRR management, lalo na sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan. Bukod sa pagkakaroon ng isang buhay na bulkan, ang Albay ay hinahagupit tuwina ng malalakas na bagyo.

Hinangaan ng summit participants ang “’Zero Casualty’ goal through preemptive evacuation and safety first via buffer maintenance doctrine,” at sa tapat na pagsunod nito sa “Sphere’s standards during evacuation” na nagbibigay diin sa “quality and accountability of humanitarian response” pati na ang pagkakatatag ng 11 permanent evacuation center, na ang anim ay pinondohan ng Japan International Cooperating Agency (JICA) at ang lima ng Spanish aid agency AECID.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang Albay ang nagpasimula sa “Preemptive Evacuation for a Zero Casualty goal” noong 2008 na naging bukambibig ng madla at inako na nga ng mga ahensiya ng gobyerno at maraming lokal na pamahalaan sa bansa.