Mga laro ngayon: (Rizal Memorial Coliseum)

9 am Air Force vs Vixens (Elite)

10:15 am A-Team vs SPA (Devt)

11:30 am DU vs PW (Elite)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

12:45 pm UMak vs Army (Elite)

2 pm TC vs LA (Devt)

3:15 pm B vs C (Devt)

4:30 pm MCT-TB (Devt)

5:45 pm PNP vs FEU-A (Elite)

Matutunghayan naman ngayon ang kakayahan ng mga kababaihan sa natatanging komersiyal na liga ng basketball sa bansa sa pagsikad ng Pinay Ballers League (PBL) sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.

Walong laro ang agad na magpapasimula sa torneo na hahataw sa ganap na alas-9:00 ng umaga na tatampukan ng Air Force kontra Vixens bago sundan ng A-Team laban sa SPA sa alas-10:15 ng umaga.

Susundan ito ng Diliman United laban sa Pacman Warriors sa alas-11:30 ng umaga bago ang UMak laban sa Army sa alas-12:45 ng tanghali. Agad itong susundan sa alas-2:00 ng hapon sa pagitan ng Team Crawler at Laco Alumni bago ang Basketeer laban sa Sole City sa alas-3:15 ng hapon.

Magsasagupa rin ang MC Team kontra Team Bene sa alas-4:30 ng hapon bago ang huling salpukan sa pagitan ng Philippine National Police kontra sa FEU Alumni sa alas-5:45 ng hapon.

Ang torneo na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) ay nakatuon sa kakayahan ng kababaihan sa event. Ang programa ay nasa ilalim ng Women In Sports at Sports For All kung saan ay nagtakda ang ahensiya ng P250,000 pondo bilang tulong.

Kabuuang 18 koponan na hinati sa elite at developmental group ang magpapartisipa sa torneo na hangad mabigyan ng kanilang pagsasanay at preparasyon ang mga manlalaro sa unibersidad at mapagkalooban din ng posibleng lugar ng pagkakakitaan ng mga basketball player sa bansa.

Siyam na koponan ang maglalaban sa Elite Division at Developmental Divisions na magsasagupa sa 1st ED at 2nd DD PBL na magtatapos sa Disyembre 14.

Pinapaboran sa titulo ang Philippine Air Force, Diliman United at Kairos habang ang anim pang kasali sa Elite ay ang Philippine Army, Far Eastern University Alumni, Pacman Warriors, Philippine National Police, UMak at Vixens.

Ang mga kalahok sa Developmental ay ang A-Team, Basketeer, Laco Alumni, Maroon 5, MC Team, Sole City, St. Paul Alumni, Team Bene at Team Crawler.

Pitong national players ang nasa lineup ng PAF na pinamumunuan nina Analyn Almazan, Fria Bernardo, Cindy Resultay at Caramia Angela Buendia. Tigtatlong nationals naman ang nasa rosters ng FEU A na papangunahan ni Aurora Adriano, at PA na si Karen Lomogda