Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahanda na ang isla kung saan iku-quarantine ang mahigit 100 Pinoy peacekeeper na galing sa Liberia.

Hindi kinumpirma ng AFP kung sa Caballo Island dadalhin ang Pinoy peacekeepers na una nang iniulat.

Ayon kay Col. Roberto Ancan, hepe ng Philippine peacekeeping operations center, na sila ang nanguna sa paghanda sa lugar kung saan isasailalim sa 21 araw na quarantine ang Pinoy peacekeepers.

Inihayag ni Ancan na nag-inspeksiyon na sila sa lugar at handa na ito sa araw ng pagdating ng 142 Pinoy peacekeeper.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Ancan na binubuo ang Philippine contingent sa Liberia ng 112 AFP personnel, 29 miyembro na mula sa PNP at isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang procedure sa quarantine ay upang bigyan ng kasiguraduhan ang peacekeepers sa loob ng 21 araw, bago uli ibalik sa Philippine peacekeeping operations.

Ang Task Force Liberia ay binubuo ng isang unit ng interagency na gaya ng DoH, Bureau of Quarantine at iba pa.

Siniguro naman ni Ancan na hindi infected ng nakamamatay na Ebola virus ang mga sundalo.

“Ang tropa natin ay safe, hindi sila asymptomatic, no signs of, not infected, walang infected sa peackeepers natin,” wika ni Ancan.

Napag-alaman na ang Caballo island ay dating American observation noong panahon ng World War II, isang secured, maganda at tahimik na lugar, presko ang hangin at may gulayan.