Inihayag ni Presidential Adviser on the Peace Process (PAPP)Teresita Quintos-Deles na kakailanganin ng proposed Bangsamoro region ang P225.7 bilyong pondo hanggang 2016 para sa socio-economic development.
Sinabi ni Deles na nangangalap at iimbitahan nila ang development partners para tumulong na magbigay ng pondo na aabot sa P109 billion.
Tiniyak ng gobyerno na magbibigay ng sapat na pondo para sa development ng Bangsamoro entity.
Sinabi rin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel Roxas II na ipinahahanda na ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang development money.
Ang pondo ay gagamitin umano para sa potable water, healthcare facilities at irrigation.
Gagamitin din ito sa pagsasaayos sa ports, airports at iba pang infrastructure projects.
Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, gaganda pa ang ekonomiya ng bansa kung mauumpisahan na ang development ng Bangsamoro area.