Natapos din ang tatlong taong pagtatago sa batas ng isang lalaki na umano’y nagmolestiya sa limang dalagita na kanyang kapitbahay, matapos siyang madakip nang bumalik sa kanyang bahay sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.

Ayon kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela Police, hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng pulisya si Dominic Castillo, 20, ng Gandola Street, Barangay Maysan ng nasabing lungsod.

“Sinabi ng informant namin na nakita raw itong si Castillo na lumutang sa kanilang lugar, eh,” ani Armamento.

Bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Evelyn Francisco, ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 270, bandang 6:30 ng gabi nang sinalakay ng mga tauhan ng WSS ang bahay ni Castillo.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Hindi na nagawa pang makatakas ni Castillo, matapos siyang mapalibutan ng mga pulis.

Nawala sa kanilang lugar ang suspek matapos siyang ihabla ng mga kaanak ng kanyang minolestiya.