MALARIA awareness Month sa Pilipinas ang Nobyembre, alinsunod sa Presidential Proclamation 12168. Nagagamot ang malaria kung maagang matutuklasan at malulunasan; kung hindi, nakamamatay ito sapagkat sinisira nito ang body organs. Dulot ng isang parasite na tinatawag na plasmodium, nasasalin ito sa katad ng apektadong babaeng lamok na namumuhay sa mga sapa, burol, at bundok at karaniwang nagpaparami tuwing tag-ulan. ang mga pangunahing sintomas ay ang pananakit ng kalamnan, sakit ng ulo, pagduduwal, lagnat, panlalamig, pagod, at diarrhea.

Ang malaria control, isa sa top five priorities ng Department of Health (DOH) ay para sa lowincome municipalities ng mga lalawigang pinagmumulan ng sakit, at high-risk groups tulad ng maralitang namumuhay sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok, at ang upland subsistence farmers, forest workers, indigenous people na may limited access sa kalidad na health care, mga komunidad na apektado ng armadong hidwaan, pati na rin ang mga buntis at mga bata na may edad lima pababa.

Nakikipag-agapayan ang DOH sa mga lokal at pandaigdigang organisasyon sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa malaria control, at pagbabahagi ng mga plano na nakatuon sa kooperasyon, adbokasiya, karunungan, at scientific exchance at capacity-building. Sa ilalim ng 2011-2016 Malaria Program Medium Term Plan, tinitiyak ng gobyerno ang universal access sa reliable diagnosis, sa epektibo at angkop na lunas pati na ang preventive measures. Binibigyan nito ng kapasidad ang mga lokal na pamahalaan na magmay-ari, mangasiwa, at magpanatili ng malaria programs sa kanilang mga nasasakupan. Pinanatili nito ang financing ng anti-malaria efforts. at tinitiyak nito na gumangana ang isang de-kalidad na assurance system para sa malaria operations.

Nagtatagumpay na ang mga pagsisikap. ang malaria, na hindi na pangunahing dahilan ng pagkakasakit at kamatayan, ay nasa pinakamababang level sa loob ng mahigit 40 taon. Iniulat ng DOH na bumaba na ang bilang ng mga kaso ng malaria mula pa noong mid-2000s – isang 83% na pagbaba mula sa 46,342 kaso noong 2005 sa 7,720 noong 2013, at isang 92% na pagbaba sa bilang ng kamatayan mula sa 150 hanggang 12, sa parehong panahon. Noong 2008 pa lamang, natugunan na ng Pilipinas ang Millennium Development goal na pababain ang insidente ng malaria pagsapit ng 2015. Sa 78 probinsiya na pinagmumulan ng malaria, 68 ang naideklarang malaria-free na hanggang Mayo 2014. Sa 1,600 lungod at munisipalidad, 760 na ngayon ang malaria-free, at sa 42,972 barangay, 9,345 lamang ang nananatiling endemic. ang pinaka-endemic na mga probinsiya ay ang apayao at Quirino sa Luzon, ang Sulu at Tawi-Tawi sa Mindanao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang target ay ang burahin ang malaria pagsapit ng 2020. ang Pilipinas ay kaagapay ng Roll Back Malaria ng World Health Organization at ang asia Pacific Malaria Elimination Network, na binubuo ng 14 bansa sa asia-Pacific na nagsisikap na puksain ang malaria sa rehiyon. Sa malaria control program nito na nagpapatupad ng phased, island-by-island strategy, at may suporta mula sa global Fund, ang Pilipinas ay maaaring ideklarang malaria-free sa loob ng anim na taon.