Naramdaman kahapon sa Baguio City ang pinakamalamig na temperature ngayong 2014.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang 12.4 degrees Celsius sa siyudad kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ng PAGASA na resulta ito ng muling paglakas ng amihan o northeast monsoon.

Inaasahang patuloy na babagsak ang temperatura sa Baguio sa susunod na mga araw hanggang sa Pebrero.
National

DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM