TULUY-TULOY na ang paghahanap ng The Voice of the Philippines coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga ng artists na kukumpleto sa kani-kanilang team sa exciting na blind auditions na muli nang mapapanood tuwing Sabado at Linggo.

Ngayong weekend, tutuntong sa The Voice stage si Karla Estrada, ang ina ng Teen King na si Daniel Padilla, na gustong gumawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz. Paano niya haharapin ang coaches? At ano ang nagudyok sa kanya para mag-audition at subukang abutin ang kanyang matagal nang pangarap na maging singer?

Huwag ding palampasin ang performance ng mga anak ng isang macho gwapito na OPM singer at ang live na pagja-jamming nila onstage. Bukod sa matinding

pag-aagawan ng coaches para sa artists na gusto nilang makuha, may kulitan moments din sila kasama ang stand-up comedian na si Rufa Mi, isang artist na makakasayawan ang coaches sa isang Polynesian dance, at isang guwapong artist na maghaharana kay Coach Sarah.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ngayong weekend, makikita sa The Voice of the Philippines na kahit may pangalan na o kasalukuyan pa lang na gumagawa ng pangalan sa showbiz ay ipinaglalabang maabot ang kanilang pangarap.

Second chance ang pilit na aabutin ng isang miyembro ng girl group na A.K.A. Jam, na matatandaang naging grand finalist ng Pilipinas Got Talent, at ang vocalist ng isang kilalang rock band.

Mapapanood ang blind auditions sa top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines ngayong 8:45 PM at bukas, 8:30 PM sa ABS-CBN.